kaagad siyang luminga-linga at sinubukang hanapin ang Kapitan nito. Subalit hindi niya ito nakita.
        Tumuloy pa rin siya at naglakad papasok. Nakakita siya ng isang upuan sa may deck. Kaya nilapitan niya ito. Tumayo siya malapit rito. Linanghap niya ang sariwang hangin ng dagat. Muli siyang lumingon sa pinagparadahan nila kanina ng kanilang driver. Napansin niyang napakalinis at maayos ang pagkakamintini ng pantalan.
        Nabigla siya nang maramdamang tumunog ang makina ng yate. Napaupo kaagad siya sa upuan sa tabi niya. Ilang sandali lang ay nagsimula nang umusad ang yate. Nasa gitna siya ng deck sa harapan. Dahan-dahang bumilis ang takbo nito. Hangang sa tuluyan na itong makalayo mula sa