"Ganoon ba," sabi lang niya. Bumaba naman kaagad ito at pinagbuksan siya ng pintuan. Bumaba na rin siya. Nakatayo siyang pinagmasdan ang puting yate na magdadala sa kanya sa kanilang bahay-bakasyunan sa may isla. May kung ano sa yate na napagpagaan sa pakiramdam niya. Kusa siyang ngumiti habang patuloy itong pinagmamasdan.
Matapos muling maisara ng driver ang pintuan ay kaagad itong muling sumakay sa sasakyan. Nang maisarado na nito ang pintuan ay ibinaba nito ang bintana. "Papano po Ma'am Margaret, maiwan ko na ho kayo," paalam nito sa kanya at kaagad nang pinaandar ang sasakyan at iniwan siya.
Huminga muna siya nang malalim pagkatapos ay naglakad na papunta sa nakahimpil na yate. Kaagad siyang tumulay papasok rito. Pagka-apak niya sa loob ng yate ay