nila. Bumuga siya ng hangin at kaagad ngumiti. Mahal kita Mike at mamahalin kita habang buhay, tahimik niyang sambit. Gumaan nang bahagya ang pakiramdam niya.
       Nagpatuloy sa pagmamaneho ang kanilang driver. Pagkatapos ng ilang sandali ay narating na nila ang pier. Natanaw kaagad niya ang isang malaki at napakagandang yate. Inilapit naman kaagad nito ang sasakyang menamaneho nito. Nang tuluyan nang makalapit ay kaagad itong tumigil at liningon siya. ":Andito na po tayo Ma'am Margaret," sabi nito at pagkatapos ay itinuro ng daliri ang napakagarang yate. "Iyan na po ang yateng sasakyan niyo. Ikaw lang po ang magiging sakay niyan at ng Kapitan."