"Bye Dad," paalam niya na kaagad lumabas at sumunod sa driver na papunta na sa nakaparadang sasakyan sa labas ng kanilang bahay.
Ipinagbukas kaagad siya nito ng pintuan. Magiliw na magiliw ang ngiti nito sa kanya kaya sinikap din niyang maging magiliw rito. Pagkasakay niya ay kaagad siyang naupo sa likuran at gilid ng sasakyan. Kaagad namang nagmaneho ito. Lumingon siya sandali sa kanilang bahay ng lumampas na sila sa kanilang gate.
Huminga siya ng malalim habang pinagmamadan ang kanilang tahanan mula sa umuusad na sasakyan. Pagkatapos ay muli itong humarap at itinuon ang atensyon sa dinaraanan