pinakaunahang bahagi ng yate siya ng bigla niyang naalala ang paglalayag nila ni Mike pabalik mula sa isla sakay ng speedboat ni Mike. Parang nararamdaman niyang nasa malapit lang si Mike, parang yakap siya nito sa likuran niya.
         Lumingon siya sa bandang likuran niya. Napangit siya ng biglang gumuhit sa isip niya ang mukha ni Mike, nakangiti sa kanya. Subalit bahagya ring naluha nang muling maalalang wala na si Mike. Ang lalaking pinakamamahal niya na pinakawalan niya. Humikbi siya nang bahagya. Sa kanyang paghikbi ay naramdaman niyang may nakatayo sa likuran niya. Kaagad niyang pinahid ang mga luha niya. Ayaw niyang makita ng tao sa likuran niya ang mga iyon.Tuluyan na ring tumigil sa pagtakbo ang yate. Nagsalita ito. "Ma'am pasensya na ho pero tumirik ho ang yate ko, tumirik ho tayo..."
        Hindi pa rin lumilingon dahil sa patuloy na pagpahid