niya ng mga luha niya gamit ang kanyang panyo ay sumagot siya nang marahan. "Ganoon ba..."
Muling nagsalita ang lalaki sa likuran niya. "Kailangan ko po ng tulong..."
"Ha anong tulong..." muling marahan niyang sagot rito at muling ibinalik ang panyo niya sa kanyang bulsa.
"Kailangan ko po ng magandang babaeng makakasama ko sa buhay ko, kailangan ko po kayo, Ma’am” sabi ng tinig sa likuran niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla sa narinig niya. Subalit bigla ring bumilis ang tibok ng puso niya. Ang boses na iyon, bulong niya sa sarili niya. Mabilis siyang tumalikod para makita ito. Halos sumabog ang puso niya sa nakita niya. Nasa harapan niya si Mike. Nakangiti ito habang