pinagmamasdan siya. "Mike..." usal niya.
         "Margaret..." sagot lang nito.
         "A-anong ginagawa mo r-rito..." marahang tanong niya na nakatingin dito.
         "Ha... eh di sinasamahan ko ang mahal ko..." sagot agad nito na humakbang ng isa papalapit pa sa kanya.
         Napaatras siya nang bahagya sa ginawa nito. Subalit humakbang uli ito sa pag-atras niya. Sa nakangiting mga mata nito ay tumitig ito sa kanya. "Sinunod ko na ang gusto mo Margaret. Sumipot na ako sa kasal ko.... kaya ang kagustuhan ko naman ngayon ang susundin mo..."
         Dumagundong ang dibdib niya sa kaba sa sinabi nito. "A-anong ibig mong sabihin..."
         Sumagot kaagad ito. "Gusto kitang makasama... gusto