saysay dahil bukas ay ikakasal na siya. Bukas ay tuluyan nang mawawala si Margaret.
        Hindi na niya muling makikita pa ang mga ngiti sa mga labi nito. Ang mga ngiting nagpapasaya sa kanya nang lubusan. Hindi na rin niya kailan man mararamdaman ang mga halik nito sa mga labi niya. Hindi na rin niya mararamdaman ang init ng katawan nito habang yakap-yakap niya.
        Nagsisi siya at nanghinayang nang labis. Kung sana'y sinunod niya ang hiling ng kanyang ama na makipagkita noon pa rito ay hindi na sana nangyari pa ang lahat. Sana'y naikasal na silang dalawa bago pa niya nakilala si Esmeralda. Siguro'y napakasaya namin ngayon kasama ng aming mga