mga bituin. Para kay Margaret wala na ring saysay ang kanyang buhay. Muli siyang napaupo at impit na napahagulhol.
NAKATANAW si Mike sa kalangitan. Nakita niya ang mga bituin at ang bilog na buwan. Huminga siya nang malalim. Naalala niya kung papano sinagot ni Margaret ang alay niyang kasal sa pamamagitan ng bilog na bilog at maliwanag na buwan. Nangiti siya.
Para sa kanya'y iyon ang pinakamaligayang gabi niya sa tanang buhay niya. Subalit ang alaalang iyon ay wala na ring