ang mga halik nito sa kanyang mga pisngi at mga labi. Sapagkat wala na siyang karapatan sa mga ito, ang mga halik at yakap ni Mike ay para na sa magiging ina ng anak nito.
        Wala na si Mike para muli siyang alayan ng kasal. Kaytagal niyang pinangarap na marinig mula rito na minamahal siya nito. Kay tagal niyang inasam na maging kasintahan niya si Mike at makatuluyan. Ang gabing iyon sa dalampasigan ang naging katuparan niyon. Ang gabi nang pag-aalay ni Mike ng kasal sa kanya ang naging pinakamasayang gabi sa buong buhay niya. Pero kailan man ay hindi na niya mararanasan iyon sapagkat bukas ay ikakasal na ito kay Esmeralda.
        Para kay Margaret wala nang saysay ang kalangitan at