pangalan ni Mike.     
        Wala na si Mike para ang makinang na bato sa kanyang palasingsingan ay magdulot sa kanya ng ibayong kaligayahan. Napakaligaya niya ng gabing iyon. Halos sumabog ang puso niya sa nag-uumapaw na kaligayahang nadarama niya. Inakala niyang wala nang maaring humadlang pa sa kanilang pagmamahalan.

        Wala na si Mike para muli siyang yakapin at paulit-ulit na iparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal nito. Hindi na niya kailanman mararamdaman ang mainit na mga yakap nito sa kanya. Hindi na niya kailan man mararamdaman pa