at itinago sa kanyang bulsa.
         Tumayo siya at dahan-dahang tumingala sa kalangitan. Sa mga mata niyang namamasa pa rin sa mga luha ay huminga siya nang malalim. Tumunghay siya sa bilog na bilog at maliwanag na buwan at sa mga nagkikislapang mga bituin sa paligid nito. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kaliwang braso at itinapat niya ang kanyang palasingsingan sa isang bituin. Muli iyong nagmistulang makinang na bato sa hindi nakikitang singsing na ibinigay sa kanya dati ni Mike. Napangiti siya nang bahagya subalit kasabay nang pagngiting iyon ay ang pagpatak ng mas marami pang mga luha sa kanyang mga mata. Napahagulhol siya nang malakas at nasambit niya ng paulit-ulit ang