roon. Sunod-sunod at mabilis ang patak ng mga luhang napasubsob siya sa nanginginig na mga palad niya. Tumangis siya nang tumangis. Binabalot siya ng kalungkutang noon lamang niya naranasan sa buong buhay niya. Sa puso niya ay si Mike lamang ang kanyang minamahal at wala ng iba pang mamahalin pa.
Sa patuloy na pag-agos ng mga luha niya sa kanyang mga palad ay naramdaman niya ang singsing na ibinigay sa kanya nito sa may dalampasigan. Humihikbing pinahid niya ang kanyang mga luha at pinagmasdan ang singsing na iyon. Napatitig siya dito at sa pagtitig niyang iyon ay kaagad na nanumbalik sa kanya ang alaala ng pinakamasayang gabi ng buhay niya. Nanginginig ang mga kamay na hinubad niya ito