nararamdaman nilang kaligayahan sa piling ng isa’t isa at hindi na magkakalayo pa habang sila’y nabubuhay.
Bukas na ang kasal ni Mike at ni Esmeralda, paulit-ulit na usal ng puso niya. Humahagolhol na nagtatakbo siy palabas ng kanilang bahay. Gabi na noon at tulog na ang lahat ng kanilang mga katulong sa bahay. Sa kanyang pagtakbong tumatangis ay napatigil siya sa gitna ng kanilang hardin. Muli siyang napahawak sa dibdib niya. Hindi siya makahinga. Pakiramdam niya'y may dumaklot at pumunit sa kanyang puso. “Mawawala na sa akin si Mike… mawala na sa akin si Mike…” nangininig ang mga labing paulit-ulit na sambit niya.
Tuluyan ng bumuway ang tayo niya. Napatukod ang isa niyang kamay sa upuan malapit sa kanya at napaupo siya