kanyang magkabilang pisngi. Halos mabulag siya sa dami ng luhang nakaharang sa kanyang mga mata. Parang may matigas na bagay na tumarak sa dibdib niya.Natutop niya ang kanyang dibdib at nabitawan ang dyaryo. Hindi niya makayanan ang sakit na nararamdaman ng puso niya. Parang malalagutan na siya ng hininga sa katotohanang tuluyan ng mawawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal niya.
Nakita niya sa headline ng pahayagang iyon ang ang mga larawan nina Mike at Esmeralda. Nabasa niyang ikakasal na ito sa isang malaking simbahan. Napuntahan na nila ni Mike ang simbahang iyon. At doon ay magkasabay nilang pinasamalamatan ang Diyos sa kanilang pagkakaayos. Nagdasal sila pareho na sana ay magpatuloy ang