Narinig niya ang tunog ng makina ng papaalis na sasakyan nito.
Nagpasya siyang alamin kung ano ang nabasa nito sa dyaryo na mukhang nagdulot ng kalungkutan dito. Mula sa pagkakaupo sa sofa nila ay inabot niya ng isang kamay mula sa ilalim ang itinuping dyaryo ng kanyang ama. Binuklat niya ito at kaagad na hinawakan sa dalawa niyang kamay para mabasa ang nilalaman ng pahayagan. Biglang nanginig ang mga palad niya. Halos hindi siya makahinga. Mabilis na pumatak ang mga luha sa mga mata niya at naglandas sa