Chapter 13
NAKITA ni Margaret ang amang may binabasang dyaryo habang nakaupo sa may sala ng kanilang marangyang tahanan. Napansin niyang tilamalungkot ito sa kung ano. Bumuntong-hininga ito pagkatapos ay muling itinupi ng mga kamay ang dyaryo at dahan-dahang inilagay sa ilalim ng maliit na mesa sa gitna. Tumayo ito at pagkatapos ay nagtungo ito sa may pintuan at lumabas ng kanilang bahay.