anak. Wala na ang pamilyang pinangarap niyang buuin kasama ng nag-iisang babaeng minamahal niya. Tumulo ang luha sa mga mata niya. "Margaret... Margaret mahal ko... bakit kinakailangang mangyari sa ating dalawa ito..."
Sa gabing iyon ay sabay na tumangis ang dalawang pusong tunay nagmamahalan, parehong nasasaktan.
Nagising si Mike sa tunog ng pagkatok ng kanyang ama sa pintuan ng kanyang kwarto. "Anak, kinakailangan mo nang maghanda para sa kasal mo," pagpapaalala nito.
Kailangan na niyang harapin ang katotohanan. Ikakasal na siya sa araw na iyon kay Esmeralda. Mawawala na sa