kanya nang tuluyan si Margaret. Bumangon siya at nagpunta sa kanyang banyo at naligo. Pagkatapos makapagbihis ay magkasama silang nagpunta ng ama sa may simbahan kung saan gaganapin ang kanilang kasal ni Esmeralda. Pagkarating nila ay naroon na sa nakagayak na simbahan ang mga bridesmaids at ang kanyang best man. He was greeted by their guests inside the church. Ngumiti lang siya pabalik sa kanila.
        Tahimik na tinaggap niya ang kanilang mga papuri at pagbati. Lahat ng mga naroon ay nakangiti at mukhang masayang-masaya. Maliban sa kanya. Napansin niyang nagawa pa ring ngumiti ng kanyang ama sa kanilang mga kakilala at mga bisita.