Hindi pa rin dumarating si Esmeralda. Kasama at katabi ng kanyang mga matatalik na kaibigan ay hinintay nila ang pagdating nito. Pumatak pa ang ilang minuto ay hindi pa rin dumarating ito. Patuloy sa kani-kanilang kwentuhan ang lahat ng mga tao roon. Inaantabayan ang pagdating ng bride.
Nagliwanag kaagad ang mga mata ng marami nang makitang parating na ang isang puting bridal car. Dahan-dahang umusad iyon papalapit sa may simbahan. Nakita kaagad ng mga tao ang sakay noon. Nakita nila si Esmeralda sa kanyang napakagarang bridal gown. Ngumiti kaagad ito sa kanila. Napahanga ang marami rito.
Nagtama ang paningin ni Mike at ni Esmeralda.