Nginitian kaagad siya nito. Pagkatapos niya itong ngitian ay naglakad siya papunta sa may altar sa loob ng simbahan. Bumaba na rin si Esmeralda sa kanyang sasakyan. Ang lahat ay kaagad nang nagpuntahan sa kani-kanilang mga pwesto para maumpisahan na ang kasal.
       Dahan-dahang lumakad si Esmeralda papunta sa pintuan ng simbahan. Tumayo ito sa gitna ng pintuan. Pinagmasdan kaagad siya ng lahat ng mga panauhin. Napakasaya ng lahat habang pinagmamasdan siya sa kanyang napakagandang wedding gown. Mula sa kanyang kinatatayuan sa harap ng altar ay lumingon siya kay Esmeralda. Nagtamang muli ang kanilang mga paningin. Nginitian niya ito.