Sa labas ng simbahan ay napansin ng marami ang napakalaking kasalang iyon. Marami sa kanila ang nangangarap na magkaroon ng ganoong kagara at kaengrandeng kasalan.
       Sa kanilang bahay ay tahimik na nakaupo si Margaret. Ngayon na ang kasal ni Mike at ni Esmeralda. Huminga ito nang malalim upang palisin ang kalungkutang nararamdaman. Sana ay maging masaya ang araw na ito para sa iyo Mike, tahimik na dalangin nito. Alam ni Margaret na mahal pa rin ito ni Mike. At mahal pa rin ni Margaret si Mike. Muli itong huminga nang malalim. Tumungo ito at tahimik na tinaggap ang kapalaran nito.