Chapter 14

      ISANG ARAW na ang nakalipas at nagising si Margaret sa kanyang kwarto. Naisip niya si Mike. Pinilit kaagad niyang magpakatatag. Ngumiti siya at bumangon sa kanyang kama. Magiging masaya ako sa araw na ito pangako niya sa sarili.
      Kaagad siyang nagpunta sa kanyang banyo at naligo. Pagkatapos ay kaagad itong nagbihis at bumaba sa kanilang bahay. Nakita siya ng kanyang ama. Niyaya siya nitong mag-agahan. Sinikap niyang maging masaya sa harapan ng kanyang ama. Ayaw niyang malungkot ito ng dahil sa kanya. Ilang sandali lang ay natapos na silang mag-almusal. Tumayo kaagad siya at nagpaalam sa kanyang ama. "Dad, aalis muna ako ng bahay," paalam niya.