Tiningnan siya nito nang mariin at kaagad nagwika. "Anak, alam kong malungkot ka ngayon. Ama mo ako at nararamdaman ko iyon."
        Huminga lang siya nang malalim at pilit ngumiti rito. Muling nagsalita ang kanyang ama. "Ang mabuti pa'y doon ka na muna sa bahay bakasyunan natin sa may isla. Pwede kang umiyak doon hangga't gusto mo. Alam kong pinipigilan mo ang sarili mong malungkot sa harapan ko. Huwag kang mag-alala sa akin. Andiyan naman ang mga katulong natin para asikasuhin ang mga gamot ko."
        "Opo Dad, kung iyan po ang gusto niyo," sagot lang nito na pilit pa ring pinasasaya ang sarili sa harap nito.