sa totoong kalagayan nito. Sinabi nitong wala na silang magagawa pa para sa ina n Esmeralda. Ilang araw na lang ang bibilangin at tuluyan na itong papanaw. Napahagulhol kaagad ito. Napayakap ito kay Mike. Yinakap naman niya ito at hinagod nang marahan para maibsan kahit papano ang pagdadalamhati nito.
        Siya man ay naluluha rin sa matinding habag na nararamdaman niya para sa mag-ina. Subalit kailangan niyang maging matatag kaya kaagad niyang kinalma ang sarili niya. Buntis ito at hindi nito magagawang asikasuhin ang ina sa magdamagan sa loob ng hospital na iyon.
        Sa nalalabing mga araw ng ina nito ay hindi na umalis ng