sa kasal namin. Magiging engrande ang kasal namin ni Esmeralda at natitiyak kong masisiyahan kayo."    
        Nangiti ito sa sinabi ni Mike. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at pagkatapos ay hinagod nang marahan. Naluha nang bahagya si Esmeralda sa ipinapakitang pagmamalasakit niya sa ina nito. Pagkatapos ay unti-unti nitong ipinikit ang mga mata. Hinagod naman ni Mike nang marahan ang balikat ni Esmeralda. Inakbayan niya ito at inilapit nang bahagya sa kanya.
        Hindi na gumanda pa ang kalagayan ng ina ni Esmeralda. Habang lumilipas ang mga araw ay lalo pa itong naghihina. Dumating naman ang doktor nito at tinapat na sila