kayong mag-alala at kahit na anong mangyari ay aalagaan ko ang anak at magiging apo niyo." Dahan-dahan itong lumapit sa ina nito at sa kanya. Bumaling kaagad ang dalawa rito.
        "Halika rito anak," sabi nito sa nanghihinang boses nito. Lumapit pa ito sa kanila at umupo sa tabi ni Mike. "Anak, napakapalad mo at itong si Mike ang makakatuluyan mo. Nasisigurado kong magkakaroon ka ng maganda at masayang buhay kasama si Mike, Esmeralda. Sana ay patuloy kayong magmahalang dalawa.”
        Ngumiti naman kaagad si Mike rito. Hinagod niya nang marahan ang ulo nito at sumagot para sa kanilang dalawa ni Esmeralda. "Opo iyan po ang gagawin namin, kaya panatagin niyo ang sarili niyo at magpagaling para makadalo pa po kayo