hospital si Mike. Sinamahan niya ito at patuloy na binabantayan para kay Esmeralda. Dumating si Esmeralda at nakita nitong hawak-hawak ni Mike ang mga palad ng ina nito. Nakita ni Esmeralda na nahihirapan na itong magsalita at huminga habang kinakausap si Mike. Alalang-alalang lumapit si Esmeralda sa dalawa at umaagos ang mga luhang umupo sa gilid ng kinahihigaan ng ina nito.
Nag-aagaw buhay na ito. Nahihirapan na itong huminga subalit sinisikap pa rin nitong makausap ang anak. Naghihingalong hinawakan nito ang mga palad ni Esmeralda at ipinatong sa palad ni Mike. "M-mike.... h-huwag m-mong p-pababayaan ang anak k-ko… m-mahalin mo s-siya at p-paligayahin p-para sa a-akin.... E-Esmeralda m-mahal na m-