mahal kita a-anak…” Pagkatapos ay ipinikit nito ang mga mata at tuluyan nang pumanaw. Pumanaw ito dalawang linggo lang matapos unang puntahan ni Mike sa hospital. Sampong araw na lang bago ang nakatakdang kasal nila ni Esmeralda.
Humagolhol at humihiyaw na sinasambit ang pangalan ng ina na niyakap niya si Esmeralda. Ramdam niya ang malabis na pagdadalamhati nito sa pagkawala ng ina nito. Siya man ay nakaramdam din ng matinding kalungkutan sa pagpanaw nito. Naging napakalapit na rin nito sa kanya sa mga araw na inaalagaan at inaasikaso niya ito sa loob ng hospital.
Parang sariling ina na rin niya ang turing niya dito. Lalo