pa’t ang pag-aalaga at pag-aasikaso niya rito ay nagpapaalala sa ginawa niyang pag-aalaga at pag-aasikaso sa sariling ina niya ng nasa hospital ito. Kasama rin niya ang inang si Clara sa mga huling araw nito sa mundo.
      Nalulungkot siya para sa magiging anak niya dahil hindi na nito makakasama at makakausap ang lola nito, kagaya nang hindi na rin nito makakasama ang isa pang lola nitong si Clara.
        Kaagad namang inasikaso niya ang lahat ng mga pangangailangan para sa lamay at pagpapalibing nito. Dumating rin ang ama niya para magpaabot ng taos-pusong pakikiramay para kay Esmeralda.