sa mukha niya at maging ang mga kaopisina at kakilala ni Mike ay ganoon din dito. Sa loob ng tatlong buwan ay halos araw-araw na nagkakasama sina Mike at Margaret. Pagsasamang parating nagdudulot sa kanila ng matinding kaligayahan at kasiyahan.
Makalipas pa ang isang linggo ay tinawagan ni Mike si Margaret upang magpaalam. Sinabi nitong kinakailangan niyang magpunta ng Bohol para sa kanilang negosyo doon, factory ng mga mamahaling laruang pambata.
Nagkakaproblema kasi ito at kinailangan nitong tutukan ng personal. Naramdaman nito ang pagkalungkot niya sa sinabi nito sa kanya. Kaya bago ito tumuloy ng airport ay pinuntahan muna siya nito sa bahay at kinausap ng maayos. Napuno ng yakapan at mga halik ang paalamang iyon.