Nangako naman ito na sisikapin nitong makabalik kaagad para muli silang magkapiling ni Margaret.
        Habang nasa Bohol si Mike at inaasikaso ang nagkakaproblema nilang negosyo ay sinisikap nitong matawagan pa rin at makausap si Margaret sa Cebu. Subalit magkagayun pa man ay hindi pa rin nila maiwasang makaramdam ng matinding-matinding pangungulila sa isa’t isa. At makalipas ang isang buwan ay buong pananabik na bumeyaheng muli si Mike pabalik ng Cebu sakay ng isang eroplano.
        Matapos nitong makapagpahinga ng sapat sa kanyang bahay ay kaagad nitong pinuntahan si Margaret sa kanilang tahanan para sa wakas ay muli na siya nitong masilayan.