Chapter 6
MATAPOS makapag-alam ng kanyang ama ay nanabik na hinintay ni Margaret ang pagdalaw ni Mike sa kanya sa kanilang tahanan. At sa pagkakita na pagkakita pa lang ni Mike sa kanya ay kaagad itong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit sa malabis na pangungulila nito sa mga yakap at halik niya.

“Na miss kita ng husto Margaret…” usal nito habang yakap-yakap siya. Pinakinggan lang ito ni Margaret habang nagsasalita ito. “Nang muli tayong magkita at magkasundo ay iniiwasan kong ipagtapat sa iyo ang totoong nararamdaman ko noon pa para sa iyo. Pinigil ko ang sariling maglahad ng tunay na damdamin ko para sa iyo. Ang sinabi ko sa iyo noon ay gusto lang kita subalit ang totoo ay … mahal na mahal kita