Margaret… mahal na mahal…” Sinapo nito ang magkabilang pisngi niya at tinitigan ang mga mata niya nang mariin. “Mahal mo rin ba ako Margaret…?” mahinang tanong nito sa kanya.
“Oo Mike, mahal na mahal din kita. Eighteen years old pa lang ako ay nakakatiyak na ako sa sarili kong mahal na mahal kita. Alam mo bang nasasaktan ako tuwing may makikita akong kasama mong babae sa mga pahayagan, Mike. Halos mamatay ako sa paninibugho. Subalit pinigil ko ang sarili kong puntahan ka dahil pakiramdam ko ay wala ka namang nararamdaman para sa akin,” kumpisal niya dito.
“Mali ka Margaret. Matagal na matagal na kitang mahal Margaret. At hindi mo kailangang magselos sa kanila dahil ni