isa sa kanila ay hindi ko naramdaman ang nararamdaman ko para sa iyo. Ikaw lang ang kaisa-isang babaeng minahal ko sa buong buhay ko, Margaret. Hindi mo na sila kailangang alalahanin pa. Iyong-iyo lang ako at ikaw ay akin lang. Mahal na mahal kita Margaret,” madamdaming pagtatapat nito sa kanya. Muli nitong sinapo ang mga pisngi niya at marubdob na hinalikan sa kanyang mga labi. Nagparaya si Margaret. Yumakap din siya kay Mike at hinalikan ito ng buong puso at pagmamahal. Tumigil lang ito sa paghalik para muling mapagmasdan ang magandang mukha niya.
Napahugot ng hiningang nagsabi, “Napakaganda mo talaga Margaret. Napakapalad kong mahal mo rin ako.”