“Mapalad din ako na mahal mo rin pala ako Mike,” sagot din niya dito.  Pagkatapos ay bahagyang nagkatawanan ang dalawa habang patuloy na nagtitigan at pinagmamasdan ang mukha ng isa’t isa.
        “Andito ba ang papa mo Margaret ha?” tanong nito sa kanya.
        “Wala Mike umalis kanina pa,” sagot naman agad niya.
        “Mabuti naman,” ngisi-ngising sagot nito sa kanya.
        Natawa si Margaret sa sinabi nito kaya bahagyang iniba niya ang usapan. “Kumain ka na ba ha?”