“Hindi pa. Sinadya ko talagang hindi na muna kumain ang gusto ko kasi’y magkasabay tayong dalawa,” sagot naman kaagad nito sa kanya.
        “O sigi halika sa loob at ipaghahanda kita ng makakain mo,” alok naman niya dito.
          Sumunod naman kaagad si Mike kay Margaret papasok ng kanilang bahay. Pinaupo niya ito sa kanilang eleganteng sofa. Naghintay sandali ito at pagkatapos ay kaagad nang bumalik si Margaret. Matapos nilang kumain ay muli silang nag-usap. Ipinaliwanag ni Mike kung bakit inabot siya ng isang buwan sa Bohol.