“Nagkakaproblema ang isang negosyo namin doon sa Bohol dahil sa malakas na kakompetensya namin. At nang mag-imbestiga ako, nalaman kong tinatalo nila kami dahil nagsilipatan sa kanila ang mga tauhan namin. Napag-alaman ko na hindi maayos ang pagtrato sa mga empleyado namin doon ng aming bagong General Manager. Tapos hindi pa niya pinapasahod ang mga ito ng sapat at sa tamang oras. Pagdating ko nga roon ay kakaunti na lang ang mga empleyadong inabutan ko sa opisina. Nagpapa-advertise naman sila sa mga newspapers para sa mga papalit sana sa nagsilipatan. Kaya lang mukhang wala rin masyadong nag-apply kasi kumalat na roon ang masamang reputasyon ng