kumpanya namin dahil sa Manager na iyon. Ayon palagi raw tigil trabaho dahil kulang nga sa mga tauhan. Kaya ang ginawa ko kinausap ko sila ng maayos at humingi ng paumanhin. Nangako akong ibabalik lahat ng mga benepesyong dati na naman nilang natatanggap pa. At nang malaman nilang tinangal ko na sa pwesto ang iresponsableng manager na iyon ay mabilis pa sa alas kwatro ay bumalik na kaagad sa amin ang mga datihan na naming mga tauhan. At dahil ganado na silang muling magtrabaho sa kumpanya namin ay mabilis na naayos ang problema doon kaya ngayon ang kakompetensya naman namin ang nahihirapan sa ngayon,” mahabang paglalahad nito.