Matapos niyang mapakinggan ang paliwanag nito ay natuoon ang pansin niya sa kanilang mga photo album kaya inabot niya ang isa nito mula sa ilalim ng mesa sa harapan nilang dalawa at ipinakita kay Mike. Muli nilang pinagmasdan ang mga kuhang letrato nilang dalawa na magkasama sa kung saan-saang lugar na pinagdadalhan sa kanila ng kanilang mga magulang. Mga larawang nagpapakita at nagpapaalala sa kanila ng kanilang naging napakasayang pagsasamang dalawa magmula ng mga bata pa silang dalawa. May isang letratong kumuha ng atensyon nito. Itinuro agad nito ito.  "Tingan mo Margaret ang cute cute mo dito.  Siguro mga ten years old ako dito nito noon," sabi kaagad nito.
       Tiningnan kaagad niya ang itinuturong letrato nito. "Oo