nga saka ang cute cute mo din diyan,” sabi niya na pinagmasdan din ang letratong iyon. “Napakaganda talaga ng kuha nating dalawa sa harding iyan habang hawak-hawak mo ang isang kamay ko," nakangiting sabi niya.

       Napatingin ito bigla sa kanya at ngumisi. "Parang ikaw naman yata ang nakahawak sa kamay ko mahal," sabi agad nito.
       Tiningnan naman agad niya ito nang mas maaayos. Napagtanto niyang siya nga ang nakahawak sa kamay nito. Namula kaagad ang mukha niya. Natawa naman ito sa kanya, kaya pinisil nito nang bahagya ang isang pisngi niya. Gumanti