naman kaagad ito at kinurot ito nang bahagya sa tagiliran nito. Napaigtad at ngumisi lang ito. "Aray ko... ang sarap naman, ulitin mo nga."
Pagkatapos ay muli pa silang tumingin nang tumingin ng iba pang mga letrato nila ni Margaret. Mga letratong nagpangiti at nagpatawa sa kanilang dalawa. Ilang sandali lang ay naramdaman nilang may gumaraheng sasakyan. Sasakyan ng Daddy ni Margaret. Pinaupo kaagad niya ito nang maayos. Dumating na ang Daddy niya. Kinausap at tinanong silang dalawa nito kung kailan sila magpapakasal. Sumagot naman silang bibigyan pa nila ang mga sarili ng sapat na panahon para mas magkasama pa ng matagal at para mapag-isipan ang lahat. Pagkapos ay umakyat na ito sa kanyang kwarto at nagpahinga. Muling naiwan sina Mike at