Margaret sa isa’t isa.
“Siyanga pala gusto ka palang makilala ng mga tauhan namin sa Bohol sabi nila. Papayag ka bang sumama sa akin pag bumalik ako doon ha?” tanong nito sa kanya.
“O sigi Mike kung gusto mo akong ipakilala sa kanila ay sasamahan kita,” sagot niya kaagad dito.
"Aasahan ko iyan ha, sasama ka sa akin pag nagpunta kong muli sa Bohol," masayang sabi nito. Pagkatapos ay tumingin-tingin muna ito sa itaas ng bahay nila at nang makasigurado itong walang ibang tao sa palibot nila ay kaagad itong lumapit pa kay Margaret at kaagad siyang yinakap nang mahigpit at muling hinalikan ng marubdob sa