bulong ito ng mga matatamis na salita sa kanya sa buong biyahe nila.
At makalipas ang isang oras ay nakabalik na sila sa syudad. Inihatid kaagad siya ni Mike sa kanyang tahanan at matapos makapag-alam ay tumuloy na rin ito sa kanyang sariling tahanan.
At magmula sa araw na iyon ay panay na ang tawagan at pagkikita ng dalawa. Dinala ni Mike si Margaret sa mga paboritong lugar niyang puntahan at maging si Margaret ay ganoon din dito. Sinisikap ni Mike na maagang matapos ang kanyang trabaho sa opisina para mailabas at mai-date siya nito. Naging napakasaya at napakaromantiko ng mga pagtatagpo nila.
Napapansin ng mga kaibigan ni Margaret ang kasiyahan