Binuhat ni Mike ang kanilang mga bagahe. Nauna itong tumalon papasok ng kaniyang speed boat. Kaagad niyang ibinaba ang kanilang mga bagahe. Pagkatalon ni Margaret papasok paloob ng speed boat ay maagap siyang yinakap ni Mike.
             “Halika tulungan mo akong patakbuhin itong speed boat ko,” sabi nito sa kanya. Inakay siya nito at ipinahawak ang manebela ng kanyang speed boat. Magkasabay nilang pinatakbo ang sasakyang-pandagat. Nasa likod ni Margaret si Mike at nakapatong ang mga palad nito sa mga palad niyang nakahawak sa manebela ng speed boat. Habang naglalayag sila ay hindi mapigilan ni Mike na halik-halikan ito sa pisngi at maging sa mga labi niya. Nagpaubaya si Margret at tinaggap ang mga halik at yakap nito sa kanya. Bulong nang