Bumaba naman kaagad si Mike at mabilis siyang nilapitan. Muli siya nitong yinakap habang nakaupo siya sa kanyang upuan. Umupo na si Mike malapit sa kanya. Masayang nag-almusal ang dalawa.
Pagkatapos nilang mag-almusal ay muli silang naglakad-lakad sa dalampasigan. Para silang lumulutang sa alapaap sa kaligayahan habang namamasyal na magkahawak-kamay. Hindi nabubura ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Unang umaga nila iyon bilang magkasintahan. Muli nilang pinagmasdan ang kagandahan ng buong isla at pinagkwentuhan uli ang kanilang kabataan. Pinagkwentuhan nila ang iba pang mga masasayang bagay na ginawa nilang magkasama noon.
Pagkatapos ay nagpasya na silang bumalik sa syudad.