paglalambing nitong muli at ipinagpatuloy ang mahigpit na pagyakap sa kanya. Yinakap siya nito nang niyakap sa mga bisig nito. Pagkalipas ng ilang sandali ay kumalas na ito at sinapo ang magkabilang pisngi niya sa kanyang mga palad. “O sigi, magsha-shower na muna ako. Pagkatapos ay baba na kaagad ako.” Yinakap muna niya itong muli bago tumuloy sa shower.
          Bumaba naman kaagad si Margaret na may ngiti sa mga labi. Masasalamin sa mga mata niya ang nag-uumapaw na kasiyahan na nararamdaman niya sa piling ni Mike.
         Pagkarating niya sa dining area ay nakita niyang naipaghanda na pala sila ng pang-almusal ng nakaalis ng si Aling Teodora. Ipinagtimpla na niya ng kape si Mike. Pagkatapos ay naupo siya at hinintay ang pagbaba nito.