sa loob dahil sa iyon nga ang napag-usapan natin bago pa man tayo nagkarelasyon," umpisa nito. "Pero iba na ngayon, buntis ako, may responsabilidad ka na sa akin at sa magging anak mo."
        Kinabahan siya sa tono nang pagsasalita nito kaya atubiling muli siyang nagtanong. "Anong ibig mong sabihin Esmeralda?"
        Sumagot kaagad ito ng derecho. "Pakasalan mo ako Mike." Tiningnan siya nito nang mariin habang hinihintay ang sagot niya.
        Napailing siya sa sinabi nito. "Esmeralda may iba na akong mahal, magpapakasal na kami ni Margaret," sagot niya.
        "Papano ako ilalagay mo ako sa kahihiyan ha? Papanong