magiging anak ko, palalakihin ko siyang isang bastardo ha?" sabi nito sa galit at matining na boses nito.
"Unawain mo naman ako, ikakasal na ako Esmeralda. Pero huwag kang mag-alala ibibigay ko ang pangalan ko sa magiging anak natin. Susuportahan ko siya. Bibigyan ko kayo nang maayos na tirahan at pag-aaralin ko siya."
Ipinikit nito nang mariin ang mga mata nito. "At anong ibig mong sabihin, dadalaw-dalawin mo lang kami ng magiging anak mo ha? Hindi iyan ang gusto ko para sa magiging anak ko. Anak ko 'to kaya ipaglalaban ko 'to. Ang gusto ko'y lumaki siya kasama ka sa iisang bahay."
Muling napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. Pinilit niyang magtimpi rito. Napansin nito ang pagpipigil niya sa totoong nararamdaman niya. Umupo ito nang tuwid at tiningnan siya ng derecho sa mata. "Nakikita kong walang