kahihinatnan ang pag-uusap nating dalawa Mike. Kami na lang ni Margaret ang mag-uusap, babae sa babae,” madiing sabi nito sa kanya.
“Huwag na huwag mong guguluhin si Margaret Esmeralda kung hindi mananagot ka sa akin!” malakas na pagbabanta ni Mike dito.
Ngumiti lang ito sa kanya. “Mag-uusap lang kami Mike,” kalmadong-kalmadong sabi nito sa kanya. Pagkatapos ay naglakad ito papunta sa pintuan nito at binuksan iyon. “Makakaalis ka na Mike. Bumalik ka na lang dito matapos ka naming mapag-usapan ni Margaret.”